May something na? Alden todo yakap, sinorpresa ng flowers si Kathryn

Matapos mangharana, may bagong sorpresa na naman si Alden Richards para kay Kathryn Bernardo.

Matapos mangharana, may bagong sorpresa na naman si Alden Richards para kay Kathryn Bernardo.

Sa X, viral ang ilang video kung saan makikitang sinorpresa ni Alden si Kathryn sa post-birthday celebration ng aktres.

Dumating si Alden na may dalang bouquet ng bulaklak na makikitang ikinagulat ni Kathryn.

Sa isa pang video ay mapapansin ang pagiging sobrang close ng dalawang celebrity.

Makikita si Alden na nakahawak sa braso ni Kathryn, at nang may kukuha ng picture ng dalawa ay niyakap ng Kapuso actor ang Kapamilya star.

Maraming netizen tuloy ang kinilig kina Alden at Kathryn, kung saan bumuo na sila ng love team name na tinawag nilang KathDen.

Matatandaan na nagsama na ang dalawa sa hit movie na ‘Hello, Love, Goodbye’ noong 2019.

Matapos ang break-up ni Kathryn kay Daniel Padilla ay napapadalas na ang mga ganap ng aktres na kasama si Alden.