May Sara o wala, UniTeam hindi nagbabago! – PBBM

Nananatiling buo at hindi nasira ang UniTeam na nagdala kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte-Carpio sa tagumpay noong nakaraang halalan.

Nananatiling buo at hindi nasira ang UniTeam na nagdala kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte-Carpio sa tagumpay noong nakaraang halalan.

Sa ambush interview sa Pangulo, sinabi nitong ang magiging malaking pagbabago lamang sa UniTeam ay kung saan papanig ang Bise Presidente matapos nitong umalis sa gabinete.

“It does not change anything for the UniTeam, depende lang kung ano position ni Inday Sara pagdating sa election, siya ba ay nasa administrasyon o siya ba ay nasa oposisyon? That will be the only major determinant. But as the parties involved pareho pa rin ang UniTeam, hindi pa nagbago,” saad ng Pangulo.

Matatandaan na ang UniTeam Colation ay binuo ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) na pinamumunuan ni Marcos, Lakas-CMD na ngayo’y pinangungunahan ni Speaker Martin Romualdez, Pwersa ng Masang Pilipino, at Hugpong ng Pagbabago na regional party ni Inday Sara.

Bilang paghahanda sa 2025 elections, kamakailan ay nakipag-alyansa na ang PFP ni Marcos sa Lakas-CMD at Nationalist People’s Coalition.

Samantala, tikom naman ang PFP kung makikipag-alyansa pa ito sa partido ni Sara.