May resbak na kahit papano! 9 na teroristang miyembro ng Dawlah Islamiya, patay sa engkwentro kontra AFP

Napatay ng mga miyembro ng Philippine Army (PA) ang siyam na miyembro ng teroristang grupo na Dawlah Islamiya (DI) matapos ang magkakasunod na mga engkwantro sa Piagapo, Lanao del Sur nitong nakaraang dalawang araw.

Napatay ng mga miyembro ng Philippine Army (PA) ang siyam na miyembro ng teroristang grupo na Dawlah Islamiya (DI) matapos ang magkakasunod na mga engkwantro sa Piagapo, Lanao del Sur nitong nakaraang dalawang araw.

“The Army troops were able to neutralize nine local terrorist members and recovered eight high-powered firearms,” pag-uulat ni PA spokesperson Lt. Col. Louie Dema-ala sa isang pahayag.

Dagdag pa niya, ang mga napatay na miyembro ng DI ay may kinalaman sa pagbobomba sa Mindanao State University–Marawi noong Disyember 3, 2023.

Apat na sundalo ng Armed Forces of the Philippines mula sa 3rd Scout Ranger Battalion ang nasugatan sa mga engkwentro. Dinala sila sa Amai Pakpak Medical Center sa Marawi para magpagaling.

Pinapurihan naman ni AFP chief Gen. Romeo Brawner Jr. ang matagumpay na operasyon ng tropang AFP, na kahit papaano aniya ay nagbigay hustisya sa mga biktima ng nasabing pagsabog.

“This operation sets a clear precedent: The AFP will not tolerate those who endanger the lives and well-being of our people. The remaining few will face our full force and unshakeable resolve in bringing every single responsible individual to account,” saad ni Brawner isang pahayag.