May relasyon na kay Kathryn? Alden Richards sumagot na!

Sa wakas ay nag-react na rin si Alden Richards sa kanilang patuloy na pagkikita ni Kathryn Bernardo.

Sa wakas ay nag-react na rin si Alden Richards sa kanilang patuloy na pagkikita ni Kathryn Bernardo.

Matatandaan na nag-trending siya matapos niyang sorpresahin ng bulaklak si Kath, gayundin ang video kung saan makikitang mahigpit ang yakap ng aktor sa Kapamilya actress.

Ayon kay Alden, naimbitahan lang daw siya sa post-birthday party ni Kathryn.

“Masaya naman ‘yung naging experience and you can see how happy Kath is right now,” ayon kay Alden sa panayam ng ’24 Oras’.

Naitanong din kay Alden kung ano bang tunay na namamagitan sa kanila ni Kathryn.

Saad ng Kapuso star, “What you see is what you get.”

“Hindi lang din talaga kailangan lagi ipamalita sa social media ‘yung mga ganiyan. You know, sometimes ‘yung mga personal things that’s happening, better be personal na lang,” aniya pa.

Matatandaan na nagkasama sa top grossing film na ‘Hello, Love, Goodbye’ ang dalawa.