May pondo pa kapag may kalamidad: PH, mayroon pang P12.23-bilyong calamity fund–DBM

Huwag naman sana, pero kung may sakunang mangyayari ngayong taon ay may pondo pa ang pamahalaan dahil halos kalahati pa lamang ng P23.21 bilyong calamity fund ang naipamahagi.

Mayroon pang P12.23 bilyong calamity ang pamahalaan kung sakaling may sakunang mangyari sa huling mga buwan ng taong ito.

Ayon sa Department of Budget and Management (DBM), P10.97 bilyon na ang pondong na-release na pamahalaan matapos nitong bigyan ng P483.6 milyon ang National Disaster Risk Reduction and Management Fund noong nakaraang buwan para sa pagsasaayos ng mga napinsala ni Bagyong Odette sa Dinagat Islands.

Halagang P23.21 bilyon naman ang alokasyon ngayong 2023 para sa calamity fund ng gobyerno.

Samantala, mahigit kalahati ng pondong ito—o P5.77 bilyon—ang napunta sa Department of Public Works and Highways. Nakatanggap naman ng P3.15 bilyon ang Department of Social Welfare and Development at P1 bilyon naman ang Department of Agriculture.

Noong nakaraang taon, P18 bilyon ang ipinamahagi ng pamahalaan sa ilalim ng calamity fund nito.