May pasaring ang pangulo: PBBM, nababahala sa paglapit ng ibang bansa sa teritoryo ng Pilipinas

Hinikayat ng pangulo ang ibang mga bansa sa Southeast Asia na makipagtulungan sa Pilipinas upang mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa rehiyon.

Tila pinaringgan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang China sa kanyang paunang salita sa Asia-Pacific Center for Security Studies sa Hawaii. Aniya, papalapit nang papalapit sa teritoryo ng Pilipinas ang mga reclamation na nagaganap sa West Philippine Sea, at may mga “false narratives” pang pinapakalat ang naturang bansa.

Pinuna rin niya ang diumano’y may “coercive tactics” at “dangerous maneuvers” nito.

BASAHIN RIN: Paulit-ulit nalang sila: China, nanggulo nanaman sa WPS–PH Coast Guard

Bagaman hindi binanggit ng diretsahan ni Marcos ang China, malinaw pa rin na ito ang kaniyang tinutukoy, lalo na’t agresibo ito sa mga paggalaw sa West Philippine Sea at sa kabuuan ng South China Sea.

Kaugnay niyan, muling iginiit ni Marcos ang soberenya ng bansa sa West Philippine Sea at ang mga karapatan nito sa nasabing teritoryo.

“Supported by the rules-based international order and our growing partnerships, both time-tested and new ones, we will insist on the preservation of the sovereignty and integrity of the country, while working closely with international partners in the bilateral, regional, and multilateral settings in developing rules and processes to address these challenges,” giit ng pangulo.

Kanya naman hinikayat rin ng pangulo ang ibang mga bansa sa Southeast Asia na makipagtulungan sa Pilipinas upang mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa rehiyon sa kabila nang malaking banta ng China rito.

BASAHIN RIN: Sa Pilipinas ang West Philippine Sea! PBBM, nanindigang hindi isusuko ang teritoryo ng bansa kahit kanino