May park at swimming pool: Pabahay ni PBBM sa Rizal, bongga!

Tunay na siksik sa kalidad at naiiba ang mga handog na pabahay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil ang mga pamimigay na bahay sa San Mateo, Rizal ay may swimming pool, parke at kumpleto ng iba pang mga amenities.

Ito ay salamin ng pagtitiyak ni House Speaker Martin G. Romualdez na suportado ng mababang kapulungan ang housing project ng pamahalaang Marcos.

“Initially, our calculation is at least P10 billion. Mukhang makukuha natin ‘yan. We’re hoping that, as you can see, our national budget increases every year,” sabi ni Romualdez.

Aniya, inaasahang 4,000 pamilya ang makikinabang sa San Mateo housing project sa Rizal, na ang bawat unit ay tinatayang may sukat na 24 hanggang 27 square meters.

Kumpleto naman sa common area ang nasabing pabahay na kinabibilangan ng central park, basketball court, at swimming pool.

“I am happy that people will get to enjoy these amenities that is only normally seen in subdivisions or condominiums,” dagdag niya.

May 20 location sites sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program (4PH) na siyang programang pabahay ng administrasyong Marcos.