May pang-hulicam na sila: BI bibili ng mga body camera para sa airport inspectors

Inanunsiyo ng Bureau of Immigration na bibili ito ng mga body camera para sa mga secondary inspector nito sa mga paliparan sa bansa upang mas ma-monitor ang mga paggalaw at aktibidad nila.

Bibili ang Bureau of Immigration (BI) ng mga body camera para sa mga secondary inspector nito sa mga paliparan sa bansa.

“We have already initiated the procurement process and expect that, by the end of the year, we can start the deployment of the cameras,” ani BI Commissioner Norman Tansingco sa isang pahayag nitong Linggo, Oktubre 10.

Ang mga camera aniya ay kayang mag-livestream, kaya mapapanood niya mula sa kaniyang opisina ang mga aktibidad at mga pagkilos ng mga airport personnel.

Dagdag pa niya, makakatulong ang mga ito para mapanatiling propesyunal ang mga tauhan ng BI sa mga paliparan.

“Body cameras will ensure that our immigration officers are effective and remain accountable for their actions as law enforcers,” paliwanag ni Tansingco. “It would also remind our officers to always be professional in the conduct of their duties,” he said.

Ayon rin sa kanya, P16 milyon ang budget na nilaan ng ahensiya para sa mga body camera.