May pambihirang galing: PBBM, Silicon Valley, nakatakdang magtulungan sa AI, cybersecurity

Pinagtutuunan ng pansin ng pamahalaan niya ang upskilling at reskilling ng mga Pilipino, partikular na sa larangang ng AI at cybersecurity.

Nais ng mangilang kumpanya sa pamosong Silicon Valley na makipagtulungan sa gobyerno ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang mapag-igting ang kapasidad ng bansa sa larangan ng artificial intelligence (AI) at cybersecurity.

Ito ay matapos makipagpulong ni Marcos sa pamunuan ng mga tech companies sa Silicon Valley sa isang roundtable nitong Huwebes, Nobyembre 16 (Manila time).

Dito, inamin ni Marcos na kapos pa sa kakayanan ang Pilipinas pagdating sa pinakamodernong teknolohiya. Gayunpaman, tiniyak niyang pinagtutuunan ng pansin ng pamahalaan niya ang upskilling at reskilling ng mga Pilipino, partikular na sa larangang ng AI at cybersecurity.

“We don’t have enough engineers. That simple. So, we need to get them trained…,” saad ni Marcos. “And so again, we have really put a great deal of emphasis on retraining. These are new technologies. The principle that we apply is really rather simple. It’s that basically Covid changed everything and after Covid, we have to transform the economy, and technology is going to bring the changes.”

Sabi naman ni David Dewalt, CEO ng kumpanyang NightDragon, plano nitong dalhin ang iba’t ibang teknolohiya, kabilang na ang generative AI dahil sa mga “young and powerful” na manggagawa nito.

“The way I would say it is the Filipinos have an unbelievable ability to integrate in the global business systems like we do, maybe unmatched by any workforce on the planet,” sabi ni Dewalt kay Marcos.

Bukod sa NightDragon, may ilan na ring kumpanya sa Silicon Valley ang interesado ring mamumuhunan sa bansa.