May palugit dapat: Maynilad nagpaalala tungkol sa disconnection

Nilinaw ng Maynilad na may dalawang buwang palugit ang mga customer nitong atrasado sa bill ng tubig bago mabigyan ng disconnection notice.

Hindi basta-basta puputulin ng Manila Water Services Inc. (Maynilad) ang serbisyo nito sa tubig sa mga kliyente nitong may kakulangan sa bayad.

Iyan ang pagtitiyak ng Maynilad nitong Miyerkules, Setyembre 27, matapos mabalitaan na nakakatanggap umano ang mga customer nito ng mga text message na hinggil sa immediate disconnection sa oras na hindi makapagbayad ng bill sa tubig.

Ito umano ay hindi alinsunod sa patakaran ng Maynila kung saan magkakaroon lamang ng disconnection kung dalawang buwan nang hindi nakakabayad ang isang customer.

“Maynilad only implements service disconnection for customers who have over two months of overdue accounts; it does not implement disconnection immediately,” paglilinaw ni Maynilad Corporate Communications head Jennifer Rufo sa isang panayam sa The Star.

Dagdag pa ni Rufo, maaaring pumunta ang mga customer sa mga Maynilad branch upang pumirma ng promissory note kung sakaling hindi pa ito makapagbabayad ng bill sa tubig.

Tiniyak rin ni Rufo na iniimbestigahan na ng Maynilad ang mga naturang text message.