May pakinabang na rin ang computer fee, sa wakas! LTO, gagamitin na ang LTMS

Makatutulong upang mas makontrol ng ahensya ang IT nito dahil hindi na aasa sa mga third-party service providers.

Nakatakda nang gamitin ng Land Transportation Office (LTO) ang Land Transport Management System (LTMS) nito.

Layon ng LTMS na magbigay na mas mabuti at mabilis na serbisyo sa publiko sa mga transaksyon nito sa mga opisina ng ahensya saan man sa bansa.

Sa isang a memorandum noong Nobyembre 22, sinabi ng Management Information Division ng LTO na ang ganap na paggamit sa LTMS ay makakatulong upang mas makontrol ng ahensya ang IT nito dahil hindi na aasa sa mga third-party service providers.

“By transitioning to LTMS, we regain control and independence over our system, ensuring greater data security, privacy and flexibility in managing our operations,” sinabi ng LTO sa isang pahayag.

Isang grupo na kinabibilangan ng German firm na Dermalog Identification Systems Inc. at Holy Family Printing Corp. ang nag-install ng naturang sistema.

Ang LTMS na ito ay pag-aari at kontrolado ng LTO.