May pagyanig na naman: Eastern Samar, mga kalapit na lugar, niyanig ng lindol

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang naturang lindol; ibig sabihin, dulot ito ng paggalaw ng active fault malapit epicenter.

Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang Samar nitong Lunes, Nobyembre 20.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naganap ang pagyanig ng 12:57 ng tanghali, at ang epicenter nito ay 15 kilometro sa timog-silangan ng Calbiga, Samar.

Naramdaman ang Intensity V na lindol sa Borongan, Eastern Samar at sa Calbiga at Catbalogan sa Samar.

Intensity IV naman ang naramdaman sa Balangiga, Balangkayan, at Maydolong, Eastern Samar; Abuyog, Alangalang, Babatngon, Carigara, Dagami, Dulag, Jaro, La Paz, Mahaplag, Mayorga, Palo, Pastrana, Santa Fe, Tabontabon, Tanauan, Tolosa, at Tunga sa Leyte; at sa Tacloban.

Dagdag ng Phivolcs, tectonic ang naturang lindol; ibig sabihin, dulot ito ng paggalaw ng active fault malapit epicenter.