May napili na! PBBM, nagtalaga na ng CEO sa MIC

Bilang Presidente at CEO ng MIC, maaatasan si Consing pangasiwaan ang mga istratehiya na makatutulong sa paglago ng ekonomiya ng bansa sa tulong na rin ng Maharlika Investment Fund.

Pormal nang itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Rafael D. Consing Jr. bilang Presidente at Chief Executive Officer (CEO) ng Maharlika Investment Corporation (MIC).

Si Consing rin ang Executive Director ng Office of the Presidential Adviser for Investment & Economic Affairs (OPAIEA) under the Marcos administration, kung saan naatasan siyang patakbuhin ang OPAIEA. Kabilang sa mga responsibilidad niya rito ay ang pagpapatupad ng mga investment projects at pagbibigay ng mga rekomendasyon na makakapagpabiti sa investment at economic agenda ng pamahalaan.

Bilang Presidente at CEO ng MIC, maaatasan si Consing pangasiwaan ang mga istratehiya na makatutulong sa paglago ng ekonomiya ng bansa sa tulong na rin ng Maharlika Investment Fund (MIF).

Ang MIC ay ginawa sa bisa ng Republic Act (RA) No. 11954, na siya namang gumawa ng MIF. Layon nitong magbukas ng mas maraming trabaho sa bansa, pabilisin ang pagsugpo sa kahirapan, at palaguin pang lalo ang ekonomiya.

Tatagal nang tatlong taon ang appointment ni Consing.