May nagma-Marites? Barko ng China, nagmamasid sa joint maritime patrol ng PH at US—AFP chief Brawner

Paniwala ni Brawner, “very successful” ang operasyon dahil walang “untoward incidents” at nakasama ng Pilipinas ang America sa misyon.

Sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief Gen. Romeo Brawner Jr. na may barko ng China na nagmamasid habang isinasagawa ng Pilipinas at America ang joint maritime patrol nila sa West Philippine Sea.

“Well, there was shadowing. We monitored a Chinese vessel shadowing the (Philippines and US) joint maritime patrol but there are no aggressive actions by China and I hope that this continues,” kwento ni Brawner.

Naganap ang joint maritime patrol noong Huwebes ng umaga, at kasama rito ang dalawang barko ng Philippine Navy at isang barko ng US Navy vessel.

Nagpatrolya ang tropa malapit sa Malampaya Deep Water Gas-to-Power Project Platform, na 27 nautical miles ang layo sa Palawan.

BASAHIN RIN: ‘Significant initiative’ ito: Joint patrols, isinagawa ng Pilipinas at Amerika sa WPS—PBBM

Sa tantsa ni Brawner, mga 6.5 nautical miles ang layo ng barko ng China, na aniya’y bahagi lang ng “freedom of navigation operations.”

Ang nasabing joint maritime patrol ay nagsimula sa bandang Batanes noon pang Nobyembre 21 at nagtapos nga sa West Philippine Sea matapos ang dalawang araw.

Paniwala ni Brawner, “very successful” ang operasyon dahil walang “untoward incidents” at nakasama ng Pilipinas ang America sa misyon.

BASAHIN RIN: May pasaring ang pangulo: PBBM, nababahala sa paglapit ng ibang bansa sa teritoryo ng Pilipinas