May mga humahabol pa: Karahasang may kaugnayan sa BSKE, mas dumami pa—PNP

Dahil sa mga panibagong kasong naitatala ng PNP, masasabing mas marahas pa ang BSKE ngayong taon kumpara noong 2018.

Apat na bagong halal na opisyal ng barangay ang nasawi habang dalawang iba pa ang nasaktan ayon sa datos ng Philippine National Police (PNP).

Sinabi ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo na nakapagtala ang kapulisan ng iba’t ibang insidente ng pamamaril, pananaksak, at pananaga sa sa Metro Manila, Northern Mindanao, Central Mindanao, Southern Mindanao, at Calabarzon matapos ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) noong Oktubre 30.

“The status of these cases is that five of them are under investigation while one was already filed in court,” saad ni Fajardo.

Dagdag pa niya, dalawa sa mga biktima ay bagong halal ng barangay captain, samantalang apat ay bagong halal na konsehal.

“We are continuously monitoring and taking actions in relation to post-election scenarios. We are expecting these incidents and this is the reason why our local commanders are given the discretion to determine the status of their alert level,” aniya.

Dahil sa mga panibagong kasong naitatala ng PNP, masasabing mas marahas pa ang BSKE ngayong taon kumpara noong 2018.