May malaking ambag ‘yan: Higit na 80 infrastructure projects, popondohan sa ilalim ng Maharlika Fund—PBBM

Ang MIF, na itinayo sa bisa ng Republic Act No. 11954 na pinirmahan ni Marcos noong Hulyo ay naglalayong palaguin ang pondo ng pamahaalan.

Tinatayang 80 infrastructure projects ang mapopondohan ng Maharlika Investment Fund (MIF), ayon mismo kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

“Currently, we have identified about 80 potential infrastructure projects that are financeable through the fund, the Maharlika Investment Fund,” saad ni Marcos sa kaniyang talumpati sa Philippine Economic Briefing (PEB) na ginanap sa San Francisco, California.

Matatandaang nilabas na ng Malacañang ang nirepasong implementing rules and regulations ng MIF, habang itinalaga na ni Marcos si Rafael D. Consing Jr. bilang CEO ng Maharlika Investment Corporation, na siyang mangangasiwa sa operasyon ng naturang wealth fund.

Ang MIF, na itinayo sa bisa ng Republic Act 11954 na pinirmahan ni Marcos noong Hulyo ay naglalayong palaguin ang pondo ng pamahaalan na siya namang magagamit upang suportahan at pondohan ang mga layunin nito na nakasaad sa Medium-Term Fiscal Framework, 8-point Socioeconomic Agenda, at Philippine Development Plan 2023–2028.

Kabilang naman sa mga naturang layunin ay ang pagpapatuloy sa mga infrastructure projects upang palakasin ang iba’t ibang larangan gaya ng transportasyon at internet connectivity.