May mahalagang papel kayo: ‘Child-sensitive’ content na magtuturo ng mabuting asal sa kabataan, dapat bigyan prayoridad—PBBM

Hinimok ng pangulo ang mga television network stakeholders, mga kilalang personalidad, at mga mamamahayag na gawing “positive, nurturing, and inspiring” ang media landscape ng bansa para sa mga kabataang Pilipino.

May panawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa media sa Pilipinas: Gamitin dapat nila ang kanilang plataporma sa pagsulong ng “child-sensitive” content na magtuturo ng mabuting asal sa kabataan ngayon.

Iyan ang mensahe ni Marcos sa kaniyang talumpati na binasa ni Communication Secretary Cheloy Garafil sa Anak TV Seal Awards na ginanap nitong Biyernes, Disyembre 8, sa Quezon City.

Dito hinimok ng pangulo ang mga television network stakeholders, mga kilalang personalidad, at mga mamamahayag na gawing “positive, nurturing, and inspiring” ang media landscape ng bansa para sa mga kabataang Pilipino.

“It is worth mentioning that the younger generations learn social behaviors by observing adults and role models. So, let us provide them with the necessary guidance in their consumption of media and encourage them to watch shows that will teach them how to engage effectively with their peers, elders, and communities,” panawagan ni Marcos.

“I enjoin all Philippine TV networks, artists, and journalists, among others, to wield your power and utilize your platform in promoting media and online literacy and advocating child-sensitive content,” dagdag pa ng pangulo.

The Anak TV Seal Awards ay isang taunang patimpalak na binibigyang parangal ang mga indibidwal at grupo na nagsusulong ng responsible TV viewership sa pamamagitan ng mga child-sensitive na programa.