May magandang dahilan: Modernisasyon ng jeep, tugon na rin sa climate change — PBBM

Ibinida ni PBBM ang jeepney sa pagbisita nito sa Hawaii upang ianunsiyo ang modernisasyon ng mga ito.

Ibinida ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang jeepney ng Pilipinas sa kaniyang pagbisita sa Daniel K. Inouye Asia-Pacific Center for Security Studies. Dito ay inanunsiyo rin niya ang hakbang ng pamahalaan na gawin modern ang mga jeep sa bansa bilang pagtugon sa isyu ng climate change.

“These are jeepneys,” ang sagot ng pangulo ng tanungin siya kung ano ang nilagay nito sa lamesa. “If you don’t know what a jeepney is, these are the jeeps that were left behind by the Americans after the war (World War II), which were converted into transport systems.

Aniya, ibinibida niya ang mga ito dahil sa planong modernisasyon ng pamahalaan.

“And the reason that we are highlighting them is because we are in the midst of an effort to go fully electric when it comes to public transport,” saad niya.

Dagdag niya, ang modernisasyon ang tugon ng pamahalaan niya kontra climate change dahil makatutulong ito na ibaba ang carbon footprint ng Pilipinas.

“This is our continuing effort as a response, of course, to climate change—to improve the mix of energy consumption and supply from the traditional fossil fuel to more renewable,” paliwanag ng pangulo. “And that is why we put them out here to remind all that despite their very traditional look, [the jeepneys] are being heavily modernized.”