May magandang alok kami: PBBM, handang magbigay ng amnestiya para sa pangmatagalang kapayapaan

Kahit bukas sa pagbibigay amnestiya ang pangulo, may mga krimen o kaso pa rin na hindi saklaw nito.

Naglabas ng executive order at iba’t ibang proklamasyon si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magbibigay amnestiya sa mga rebeldeng handa nang makipagtulungan sa gobyerno para mapanatili ang kapayapaan.

“There is hereby created the National Amnesty Commission, hereinafter referred to as the Commission, which shall be primarily tasked with receiving and processing applications for amnesty and determining whether the applicants are entitled to amnesty under Proclamation Nos. 403, 404, 405 and 406,” saad ng Executive Order (EO) No. 47 na pinirmahan ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin noong Nobyembre 22.

Aamyendahan ito ang EO125, series of 2021, o ang Creation of the National Amnesty Commission (NAC).

Ayon sa pangulo, napapanahon nang baguhin ang tungkulin at kapangyarihan ng National Amnesty Commission, na siya namang nangangasiwa sa mga aplikasyon para sa amnestiya.

Sa bisa ng Proclamation No. 403, binigyang amnestiya ng pangulo ang ibang miyembre ng Rebolusyonaryong Partido ng Manggagawa ng Pilipinas/Revolutionary Proletarian Army/Alex Boncayao Brigade (RPMP-RPA-ABB).

Nabigyang amnestiya rin ang ibang miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) sa bisa naman ng Proclamation No. 404.

Sa kabila nito, may mga krimen o kaso pa rin na hindi saklaw ng amnestiya.