May lamat na relasyon? Kaanak ng binaril sa bus, inilabas ang video na tila nagdidiin sa anak ng biktima

Isa ang anak ng biktima sa sinisilip na suspek sa lantarang pamamaril, kung saan damay rin ang live-in partner ng babaeng biktima.

Inilabas ng mga kapatid ng babaeng binaril nang malapitan sa bus ang isang video na tila nagpapatunay na may malalim na hidwaan sa pagitan niya at ng kaniya mismong anak.

“Ginawa ko itong video na ito para sabihin na ang aking anak na si—ay walang karapatan mag-stay sa bahay ko o kumuha ng mga ani,” kwento ng biktima sa video na nakuha ng ”24 Oras Weekend.”

Isa ang anak ng biktima sa sinisilip na suspek sa lantarang pamamaril, kung saan damay rin ang live-in partner ng babaeng biktima.

Bwelta naman ng kampo ng anak, kinuha ang video noong kasagsagan ng away nila ng kaniyang ina, at nagkabati na sila diumano mula noon.

Tumanggi namang magbigay pa ng pahayag ang kaanak ng lalaking biktima.