May jowang mayor? Alice Guo, todo deny sa akusasyon ni Estrada

Mariing itinanggi ni Mayor Alice Guo ang mga pandidikdik sa kanya ni Senator Jinggoy Estrada na siya raw ay may karelasyong Pangasinan mayor.

Mariing itinanggi ni Mayor Alice Guo ang mga pandidikdik sa kanya ni Senator Jinggoy Estrada na siya raw ay may karelasyong Pangasinan mayor.

Ayon kay Estrada sa pagdinig sa Senado, sinabi ng kanyang “very reliable information” na ang di umanong ka-live in partner ni Alice Guo ay isang mayor sa Pangasinan at siya mismong namamahala ng mga ilegal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Bamban na pinabulaan naman ng mayora.

“Wala po. Marami na silang nali-link sa ’kin simula po na buksan ang isyu. Sobrang dami nilang nili-link sa’kin pero wala po akong partner,” ani Guo.

Biniro pa nga ni Guo si Estrada na baka ang nili-link sa kanyang lalaki ay pogi at kung maaari ay pangalanan ito ng senador.

Sinagot naman ito ni Estrada: ““Kaya ko bini-bring out ito because the reports that I received is that your partner, ‘yung nali-link sayong mayor ng Pangasinan is the one managing and operating your POGO business. Wala akong pakialam sa relasyon ninyo.”

“Sige. Panindigan mo yan ha? Dahil meron akong testigong magpapatunay na ang iyong karelasyon ang nagma-manage ng negosyo at POGO sa lugar mo,” dagdag niya.