May isang salita kami! DOJ: Protektado ng PBBM admin ang karapatang pantao ng Pilipino

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, paninindigan ng pamahalaan ang pangako nitong ipatupad ang Universal Declaration of Human Rights.

Mariing tiniyak ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na paninindigan ng pamahalaan ang pangako nitong ipatupad ang Universal Declaration of Human Rights.

“As we celebrate the 75th anniversary, we need to roll up our sleeves and tackle real issues. We need to address the gaps in our current system, fight discrimination, and improve access to justice for every citizen. Today, as we commence the 75-day countdown to honor the 75th anniversary of the Philippines’ adoption of the Universal Declaration of Human Rights, we stand resolute in our commitment to truth, justice, and accountability,” ani Remulla sa kanyang talumpati kaharap ang iba’t ibang grupo sa Makati Diamond Residences nitong Martes, Setyembre 26.

Gayunpaman, aminado si Remulla na maramin pang kailangan gawin ang pamahalaan upang mas mapangalagaan ang human rights ng bawat mamamayang Pilipino.

Kaugnay nito, hinimok niyang magtulungan ang mga concerned agencies at governments upang masiguradong prayoridad ang human rights sa bawat desisyon, polisiya, at hakbangin.

Tinayak rin niyang ginagawa ng DOJ ang lahat upang maproteksiyunan ang human rights ng mga Pilipino.