May isa pang epidemya: Kaso ng HIV sa bansa, tumataas pang lalo

Ayon sa datos ng ahensya, may naitalang 1,256 bagong kaso ng HIV hanggang Mayo 23, na katumbas sa 48 na bagong kaso kada araw.

Inanunsiyo ng Department of Health (DOH) Epidemiology Bureau na tumataas ang mga kaso ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) sa Pilipinas.

Ayon sa datos ng ahensiya, may naitalang 1,256 bagong kaso ng HIV hanggang Mayo 23, na katumbas sa 48 na bagong kaso kada araw.

Mas nakakabahala, 26% ng mga kaso ay “advanced HIV infection” na nang ma-diagnose, samantalang 32% ng kaso ay kinasasangkutan ng mga kabataang edad 15 hanggang 24.

Sa kabuuan, 132 na indibidwal na ang napaulat na namatay.

Kaugnay niyan, hinimok ng DOH ang publiko na mas maging maingat kontra sa HIV. Binigyang-diin rin ng ahensiya ang kahalagahan ng edukasyon, regular testing, at prevention upang mapigil ang patuloy pang pagtaas ng mga kaso ng HIV sa bansa.