May inuuwing ganansya! Mambabatas, dinepensahan ang foreign trips ni PBBM, tinawag itong ‘most potent Investor Relations Officer’

Nito lang ay inanunsiyo ng DTI na nakakuha si Marcos ng halagang P4.019 trilyon ng mga pangakong investment, at ang iba rito ay sinisimulan na—patunay lamang na sulit naman ang mga pagbisita ng pangulo sa iba't ibang bansa.

Kasama sa trabaho ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pumunta sa iba’t ibang bansa upang makakuha ng mga investments para sa bansa.

Iyan ang hinuha ni Sen. Sherwin Gatchalian sa pagdipensa sa mga foreign travels ng pangulo.

“President Marcos is the most potent ‘Investor Relations Officer’ of the country whose physical presence sends a strong signal that the country is open for business,” sabi Gatchalian sa isang pahayag. “Moreover, heads of states, fund managers, and potential investors will all have a rare opportunity to interact and receive assurance from no less than the highest official of our land,” he added.

BASAHIN RIN: Mission accomplished! Pangakong P14.5-bilyong pamumuhunan at P169-bilyong ‘actualized investments,’ inuwi ni PBBM mula Japan

Kaugnay niyan, sinabi rin ng senador na kailangang asikasuhing mabuti ng mga ahensiya ng gobyerno nang mga banyagang nais mamuhunan sa bansa dahil na rin sa pagkumbinsi ng pangulo.

“Individual departments, especially the Department of Trade and Industry (DTI), should follow through to close the pledges that were made during the president’s investment roadshows. The departments should make sure that the investors are welcomed with a red carpet and all their concerns are addressed when they set up shop in the Philippines,” dagdag ni Gatchalian.

Nito lang ay inanunsiyo ng DTI na nakakuha si Marcos ng halagang P4.019 trilyon ng mga pangakong investment, at ang iba rito ay sinisimulan na.