May integridad dapat: DILG, hinikayat ang mga kandidato sa BSKE na bigyang respeto ang mga botante

Ilang araw nalang bago ang Barangay at Sangguniang Kabataan Election, at hinimok muli ni Department of the Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos ang mga kandidato na panatilihin ang integridad ng halalan.

Hinimok ni Department of the Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos ang mga kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE) na magpatuloy sa pagsunod sa mga batas-halalan upang siguraduhin ang integridad ng eleksyon.

Sinabi ito ni Abalos matapos siyang sumama sa Oplan Baklas ng Commission on Elections (Comelec) sa Tondo sa Maynila, kung saan pinanguhan nito ang pagtatanggal ng mga campaign materials na lumabag sa mga patakaran ng Comelec.

“Let us maintain the integrity of the election and give the voters the respect that they deserve,” saad ni Abalos, na pinapurihan ang aniya’y pagsunod sa batas-halalan ng mga kandidato sa Tondo.

Pinaalalahanan rin niya ng bawal ang pamamahagi ng mga papremyo at pag-aalok ng libreng sakay sa araw ng halalan.