May himala! Bata nabundol ng sasakyan, nakaligtas

Nagtamo ng matinding pinsala sa katawan ang limang taong gulang na batang lalaki matapos itong mabangga ng isang pickup sa Purok 4, Diversion Road, Brgy. Lumbo, Valencia City, Bukidnon.

Nagtamo ng matinding pinsala sa katawan ang limang taong gulang na batang lalaki matapos itong mabangga ng isang pickup sa Purok 4, Diversion Road, Brgy. Lumbo, Valencia City, Bukidnon.

Base sa ulat, patawid ang bata sa kabilang kalsada nang bigla itong mabundol ng naturang sasakyan.

Dahil sa pagkakabangga ay tumilapon ang bata kung saan nagtamo ito nagtamo ito ng pinsala sa katawan.

Himala namang nabuhay ang biktima sa kabila ng nangyaring aksidente, at agad itong naisugod sa ospital.

Samantala, pinaghahanap na ng pulisya ang driver ng pickup.