May forever na himas-rehas sa mga smuggler! Panukalang batas laban sa agricultural smuggling, lusot sa ikalawang pagbasa ng Kamara – Romualdez

Bahagi ang amyenda sa Anti-Agricultural Smuggling Law sa mga prayoridad na polisiya ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Inaprubahan sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang batas na nagpapataw ng mas mabigat na parusa sa mga hoarder at nagmamaniobra ng presyo ng mga basic commodity tulad ng bigas.

Aamyendahan ng panukalang batas ang Anti-Agricultural Smuggling Law para magpataw ng habangbuhay na pagkakabilanggo sa mga lalabag sa economic sabotage law, ayon kay House Speaker Martin Romualdez.

“This is because we want to send a chilling effect on these cartels that have been operating for decades now. We really mean business this time. And our primary task here is to protect the welfare of the masses – provide them with the most affordable goods in the market,” sinabi ni Romualdez sa isang pahayag.

Kinukonsidera ng panukalang batas ang smuggling ng bigas at iba pang agricultural products bilang “economic sabotage,” paliwanag pa ng opisyal.

“President Marcos – as Chief Executive and secretary of agriculture – fully appreciates the adverse impact of the smuggling of rice and other staples on farmers, fisherfolk and on consumers. We share his concern for the affected sectors,” ayon kay Romualdez.

Kapag naging ganap na batas na ang panukala, magsisilbi itong dagdag proteksyon ng mga magsasaka at mangingisda laban sa mga smuggler, dagdag pa ng mambabatas.

“We have to shield them from these atrocious activities to encourage them to produce more rice and other staples so the country can attain food sufficiency,” ani Romualdez.

“We have to work on and pass this measure as expeditiously as we can,” dagdag pa ni Romualdez.