May forever? Bato nangakong ‘di kakalas sa Duterte

Walang balak si Senador Ronald "Bato" dela Rosa na talikuran si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Walang balak si Senador Ronald “Bato” dela Rosa na talikuran si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay dela Rosa, malaki ang utang na loob niya kay Duterte.

Sabi ni dela Rosa, hindi siya magiging “Bato” kung wala si Duterte.

“Malaki ang utang na loob ko sa mga Duterte. Hindi ako pwedeng lalayo sa kanila. Hindi ako naging Bato kung walang Digong Duterte,” pahayag ni dela Rosa.

“My heart belongs to kung saan ako nagkakautang ng loob ay nandoon talaga ako,” pahayag ni dela Rosa.

Una nang sinabi ni dela Rosa na hindi niya aabandunahin ang Partido Demokratiko Pilipino ni Duterte.