May basbas na ni Ate Vi! Tambalang Kathryn-Nadine sa posibleng remake ng ‘T-Bird at Ako,’ two thumbs up kay Vilma Santos

Bukod sa maningning na tambalan nina Vilma Santos at Nora Aunor, nakilala rin ang “T-Bird at Ako” bilang isa sa mga unang pelikula na tumalakay sa mga tema ng LGBTQIA+.

Isa sa mga tanyag na pelikula ni Star for All Seasons Vilma Santos ang “T-Bird at Ako” noong 1982, kung saan nakapareha niya si Nora Aunor.

Bukod sa maningning na tambalan ng dalawang bituin sa showbiz, nakilala rin ang “T-Bird at Ako” bilang isa sa mga unang pelikula na tumalakay sa mga tema ng LGBTQIA+.

Kaya naman masasabing napapanahon na ang isang remake ng nasabing pelikula, at kung si Santos ang masusunod, nanaisin niyang magbida dito sina Kathryn Bernardo at Nadine Lustre.

Sa isang panayam, agad na sinabi ng Star for All Seasons ang pangalan ni Bernardo na napupusuan niyang maging isa sa mga bida ng posibleng remake ng “T-Bird at Ako.”

Payag rin siyang si Lustre ang maging katambal ni Bernardo, gaya ng suhestiyon ng maraming fans.

“Oh, heaven ‘yan! Heaven ang team na ‘yan, parehong magaling! That’s a good pair,” sabi ni Santos sa posibleng pagtatambal ng dalawang young stars ng showbiz ngayon.