May areglo na ata kaagad! Babaeng rider, patay matapos mabundol ng lalaking nakainom diumano

Ayon sa imbestigasyon ng mga awtoridad, namalengke lang umano ang 52-anyos na babae. Pauwi na umano ito sa Bauan pagkatapos nitong mamalengke nang mangyari ang malagim na insidente.

Patay ang isang babaeng rider na nabangga ng isang sports utility vehicle (SUV) sa Batangas City nitong Martes ng madaling araw, Enero 9.

Ayon sa imbestigasyon ng mga awtoridad, namalengke lang umano ang 52-anyos na babae. Pauwi na umano ito sa Bauan pagkatapos nitong mamalengke nang mangyari ang malagim na insidente.

Agad na isinugod ang babae sa ospital, kung saan dineklara itong dead on arrival.

Lumilitaw rin sa imbestigasyon na nakainom ng alak ang drayber ng SUV, na isang 27-anyos na residente diumano ng Quezon City.

Sinabi naman ng pulisya na hindi muna magsasampa ng reklamo ang pamilya ng biktima hanggang hindi pa ito naililibing.