May anomalya sa TESDA sa ilalim ni Villanueva

"Pero alalahanin nya na ang Kongreso, ang mga congressman pagdating sa district, lagi nilang hinihingian ng tulong at darating ang araw hihingi siya ng tulong”.

Hindi nakaligtas sa anomalya ang TESDA noong pinamumunuan ito ng dating director general nitong si Joel Villanueva.

Noong nakaupo ito sa TESDA ay may nakitang iregularidad ang Commission on Audit (COA) sa P49-milyong halaga ng training and assessment sa PDAF.

Nakasaad sa 2014 COA audit report na nilabag ni Villanueva ang Supreme Court TRO na nagdedeklara sa PDAF na unconstitutional.

Bago italaga sa TESDA, sinabi ni Ako Bicol Party-list Rep. Elizaldy Co na hindi naman kilala si Villanueva.

Nagkataon aniya na kaibigan ito ni dating Pangulong Noynoy Aquino na naglagay sa kanya sa naturang ahensya.

“Kaya yan ho ang pagkakakilala natin (kay Sen. Joel). Naswertehan niya lang ho na bestfriend niya si PNoy (President Noynoy Aquino) at hindi ho natin alam paano siya nanalo,” ayon kay Co.

Kaugnay nito, sinabi ni Rep. Co na darating ang araw ay hindi na mahihingian ng tulong ng mga Senador ang mga congressman.

“Sinasabi nila, they have 15 million votes, sabi ni Sen. Joel. So be it kung ‘yun ang sa tingin niya. Pero alalahanin nya na ang Kongreso, ang mga congressman pagdating sa district, lagi nilang hinihingian ng tulong at darating ang araw hihingi siya ng tulong,” saad pa ng mambabatas.