May anak ba kay Lindsay de Vera? Dingdong Dantes sumagot na!

Nagsalita na si Dingdong Dantes tungkol sa intrigang may anak umano ito sa aktres na si Lindsay de Vera.

Nagsalita na si Dingdong Dantes tungkol sa intrigang may anak umano ito sa aktres na si Lindsay de Vera.

Sa panayam ni Boy Abunda kay Dingdong, natanong dito kung totoong nagkaroon ito ng anak kay Lindsay.

“Wala po. Hindi po totoo,” ayon kay Lindsay.

Ayon kay Dingdong, kinailangan niyang sumagot dahil maraming nagtatanong sa kanya tungkol sa issue.

“Dahil may mga tumatawag na po sa ‘kin na mga kaibigan, mga kamag-anak, ‘yung mga nagmamalasakit po sa ‘kin, and because I have a responsibility dito sa aking mga mahal sa buhay, responsibilidad ko na klaruhin ang isyung ito dahil mahalagang mahalaga po ang aspetong ito para sa akin,” saad ni Dingdong.

Hinayag din ng Kapuso actor na hindi niya magagawang magtaksil sa kanyang misis na si Marian Rivera at sa kanilang mga anak.

“I love my wife, I love my family very much, my kids. That’s why I’m saying that it is not true,” giit ni Dingdong.