May 2 pa! Resort sa Chocolate Hills ‘di lang isa

Nilinaw ng manager ng Captain's Peak, kontrobersyal na resort sa Chocolate Hills sa Bohol, na hindi lang isa kung hindi mayroong pang dalawang resort ang nakatayo sa lugar.

Nilinaw ng manager ng Captain’s Peak, kontrobersyal na resort sa Chocolate Hills sa Bohol, na hindi lang isa kung hindi mayroong pang dalawang resort ang nakatayo sa lugar.

Sa panayam kay Julieta Sablas, sinabi nito na bukod sa kanilang resort ay mayroon pang dalawa na mas malala umano.

“Sana lahat makita niyo po ‘yung mga resort dito kung talagang Captain’s Peak lang ang gumagawa nito na nasa Chocolate Hill,” saad ni Sablas.

“Mayroon pang mas malala po dito,” dagdag pa nito.

Nilinaw naman ni Sablas na kumpleto naman umano ang kanilang resort sa dokumento at nagbabayad din umano sila ng buwis kada taon.

“Makita niyo po, hindi naman sa gitna. Parang valley po. Sa gilid-giliran. Makita mo chocolate hills sa gilid niya. Yung sa gitna lang ang pwede namin magamit. Papaano naman owner ng properties po? Palagi po kami nagtatax every year, tapos yun lang maliit na pwedeng naming magalaw ay ginamit naman namin,” paliwanag pa nito.

Samantala, nag-viral din kamakailan ang larawan ng dalawa pang resort sa Chocolate Hills, kung saan ang isa ay nakatayo pa sa tuktok ng burol.