Maulan na panahon, mararamdaman sa ilang bahagi ng ‘Pinas

Magdadala ng maulap na kalangitan at ilang pag-ulan ang northeast monsoon at ang easterlies sa iba't ibang bahagi ng bansa.

Magdadala ng maulap na kalangitan at ilang pag-ulan ang northeast monsoon at ang easterlies sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ayon sa pinakahuling ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), makararanas ang Eastern Visayas, Sorsogon, at Masbate ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm na dala ng easterlies.

Maging ang Cagayan Valley, Apayao, at Kalinga ay uulanin din na dala naman ng amihan.

Samantala, ang Metro Manila, ang natitirang bahagi ng Cordillera region, Central Luzon, Calabarzon, at ang Ilocos Region naman ay makararanas ng kaunting pag-ulan.