Maui wildfire update: Umakyat sa 29 na Pinoy ang patay sa sunog

Umabot na sa 29 na Pilipino ang nasawi sa naturang wildfire na naganap noong Agosto 8 nang makumpirmang may 10 pang namatay sa trahedya.

Ilang linggo matapos ang pinakamalalang wildfire na nangyari sa Maui, Hawaii, nakumpirmang may 10 Pilipino pa ang namatay dahil sa nasabing trahedya.

Kabilang sa mga biktima ay pitong miyembro ng pamilya Quijano na sina Adela Quijano Villegas, ang asawa niyang si Joel, at sina Felimon Quijano, Junmark Geovannie Quijano, Angelic Quijano Baclig, Lydia Coloma, at Luz Bernabe. Ang pamilya Quijano, na pawang tubong Ilocos ay na-trap sa loob ng sasakyan habang rumaragasa ang wildfire.

Patay rin ang dalawang miyembro ng pamilya Ricolizado na sina Victoria Recolizado at Justine Recolizado, na nakilala na lamang gamit ang DNA samples nito.

Kabilang rin sa mga nasawin sina Reveling Tomboc at Allen Constantino, na pawang may kamag-anak na nauna nang nasawi dahil sa wildfire.

Sa kabuuan ay mayroon ng 29 na Pilipino ang nasawi sa naturang wildfire na naganap noong Agosto 8.