Matuto tayo sa iba: PBBM, hinimok ang mga LGUs na pag-aralan ang sistema ng mga banyaga

Umaasa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. makakatulong ng pamahalaan ang mga LGU sa paghubog ng mga sustainable communities at pagpapalakas ng mga institusyong local.

Hinikayat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga alkalde ng iba’t ibang local government units (LGU) na makipagtulungan sa mga LGU ng ibang bansa at pag-aralan ang mga magandang pamamalakad at sistema nito.

Sa ganitong paraan, aniya ay mas mapapabuti ng mga LGU ang pagbibigay serbisyo sa mga mamamayan nito. Ito ang binigyang diin ng pangulo sa kaniyang pagdalo sa Philippine Mayors Forum sa Quezon City nitong Biyernes, Oktubre 27 ns inorganisa ng Department of the Interior and Local Government (DILG), sa pakikipagtulungan ng United Nations (UN) Resident Coordinator’s Office at United Nations Development Programme (UNDP).

Pinayuhan rin ni Marcos ang mga alkalde na gamitin ang kaalaman ng UN sa pagpapatakbo ng kani-kanilang mga lugar.

“Let us make good use of this forum— a very effective multiplier of the efforts that we bring,” saad ng pangulo. “We make ourselves more learned when it comes to the problems we’re facing. That way, we’re able to achieve more.”

Ayon kay Marcos, umaasa siyang makakatulong ng pamahalaan ang mga LGU sa paghubog ng mga sustainable communities at pagpapalakas ng mga institusyong local.