Matinding tag-init nagbabadya sa Mayo – PAGASA

Nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa maalinsangang panahon sa Mayo.

Nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa maalinsangang panahon sa Mayo.

Ayon sa weather bureau. posibleng umabot sa ‘extreme danger’ ang heat index sa naturang buwan.

Nasa 52 degrees Celcius o posibleng mas mataas pa ang maranasang init sa ilang parte ng Pilipinas.

Kung ikukumpara sa buwan ng Marso, nasa 47 degrees Celcius ang pinakamataas na heat index na naitala sa La Union noong March 19.

Matatandaan na inanunsyo na ng Pagasa na nagsimula na ang summer season sa bansa.

Dagdag pa rito ang epekto ng El Niño kung saan matinding tagtuyot ang naranasan sa bansa.

“The top 10 warmest on record in the country were associated with a strong El Niño. Since the warm and dry season started, the impact of a strong El Niño is still being felt despite its weakening,” ayon kay PAGASA climatology and agrometeorology division officer-in-charge Ana Liza Solis.

Paalala ng PAGASA sa publiko, iwasan lumabas kung hindi kailangan at manatiling hydrated.