Matapos tawaging ‘Marites’ at ‘buang’, Binay pinag-aaralan ethics complaint vs Cayetano

Pinag aaralan ng kampo ni Senator Nancy Binay ang pagsasampa ng ethics complaint laban kay Senator Allan Peter Cayetano.

Pinag aaralan ng kampo ni Senator Nancy Binay ang pagsasampa ng ethics complaint laban kay Senator Allan Peter Cayetano.

Kasunod ito ng naging sagutan nila kahapon sa pag dinig ng Senate Committee on Accounts patungkol sa New Senate building, kung saan tinawag syang “Marites” at sabihan ng “nabuang ka na, day” ni Cayetano.

“Magkokonsulta muna ako sa staff ko kung ano ang appropriate action to take,” saad ni Binay.

“Di ko pa nababasa ang buong transcript at pag-aaralan pa ng legal team namin. I’ll let you know kung mag-decide kaming i-elevate sa ethics committee.” dagdag ng senadora.

Ayon pa kay Binay, hindi nya raw inaasahan ang naging akto kahapon ni Cayetano, lalo’t isa ito sa mga senior senator.

“Kung ganyan siya manghamon ng away sa isang babae, then I guess, we just have to manage our expectations from this senator.”

“Actually, sa akin ok na ako kahit ‘di feel ni Sen Alan na mag-apologize sa ginawa nyang pambastos kahapon sa hearing. We dont expect him to behave as such considering that he is among the most senior senators—so, yung asal niya is very unbecoming of a senator,” ani Binay.