Matapos Semana Santa: Mahigit 1M byahero dagsa sa NAIA

Nakapagtala ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong Linggo ng pagkabuhay ng 1,040,707 bilang ng pasahero matapos ang paggunita sa Mahal na Araw.

Nakapagtala ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong Linggo ng pagkabuhay ng 1,040,707 bilang ng pasahero matapos ang paggunita sa Mahal na Araw.

Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), mas mataas ito ng 12 porsyento kumpara sa bilang na 926,755 sa kaparehong araw noong nakaraang taon.

Nasa kabuuang 521,154 ang bilang ng domestic passengers, habang 519,553 naman ang international passengers.

Naitala ang mababang bilang ng mga byahero noong Biyernes Santo na umabot sa 124,230.

Samantala, wala namang naiulat na insidente sa naturang panahon.