Matapos mag-viral: Chocolate Hills resort sinarado agad

Kusang nagsara ng pamunuan ng Captain's Peak Garden and Resort ang kanilang establisimiyento matapos itong punahin ng mga netizen dahil nasa gitna ito ng Chocolate Hills sa Bohol.

Kusang nagsara ng pamunuan ng Captain’s Peak Garden and Resort ang kanilang establisimiyento matapos itong punahin ng mga netizen dahil nasa gitna ito ng Chocolate Hills sa Bohol.

Sa inilabas na advisory ng resort, sinabi nila na susunod sila sa direktiba ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

“In accordance with the directives from the Department of Environment and Natural Resources (DENR), Captain’s Peak Garden and Resort will be temporarily closed for maintenance and environmental preservation efforts,” ayon sa nagma-manage ng resort.

Lahad pa ng management, habang sarado ang Captain’s Peak ay magsasagawa sila ng ‘eco-friendly initiatives’ para sa sustainability ng resort.

Sa naunang pahayag ng DENR, nilahad nila na noong September 2023 pa sila naglabas ng temporary closure order para sa naturang resort.

Nalaman din nila na nag-ooperate ang lugar na walang Environmental Compliance Certificate.