Matapos i-link sa mayor: Ivana Alawi bati na kay Ogie Diaz!

Nagkabati na sina Ivana Alawi at Ogie Diaz matapos nilang magkaroon ng iringan dahil sa isang intriga.

Nagkabati na sina Ivana Alawi at Ogie Diaz matapos nilang magkaroon ng iringan dahil sa isang intriga.

Matatandaan kasi na ini-link si Ivana sa isang mayor sa isang showbiz vlog ni Ogie.

Ayon kay Ogie, nag-effort daw si Ivana para makausap siya at magkaayos na.

“Sabi ko nga sa kaniya: ‘Sobra kong na-appreciate ‘yong effort mo.You really get out of your way to reach out, sobrang appreciate ko ‘yong effort mo,’” saad ni Ogie.

“Kung naka-offend sa kaniya ‘yong mga naikuwento natin dito, ‘yong encounter ko sa kanya na hindi niya ako pinansin, okay na kami,” aniya pa.

Sa ngayon daw ay may usapan na sila ni Ivana na magtawagan kung mayroon silang concern sa isa’t isa.