Matapos hiwalayan kay Carla: Tom Rodriguez may bago nang dine-date

Tuluyan nang naka-move on si Tom Rodriguez matapos ang kontrobersyal niyang hiwalayan kay Carla Abellana.

Tuluyan nang naka-move on si Tom Rodriguez matapos ang kontrobersyal niyang hiwalayan kay Carla Abellana.

Sa panayam sa ’24 Oras’, kinumpirma ni Tom na may iba nang nagpapatibok ng kanyang puso.

“I am seeing someone,” wika ni Tom, na hindi na binunyag kung sino ang kanyang kasalukuyan na dine-date.

“What you see is what you get. I’m keeping it to myself,” aniya pa.

Matatandaan na naging magulo ang break-up ng nina Tom at Carla noong 2022. Ilang buwan lang matapos nilang ikasal ay naghiwalay din agad sila.

Lampas isang taon namalagi si Tom sa Amerika kung saan inayos niya ang divorce nila ni Carla. Pwede ito dahil American citizen si Tom, ngunit hindi kinikilala na sila’y hiwalay na sa Pilipinas dahil wala pang batas sa bansa ukol dito.

Sa pagbabalik ni Tom sa Pilipinas, sinabi niya na hindi niya alintana sakaling magkita ulit sila ni Carla.

“I don’t think it matters to me much. We have our own paths and our own lives now,” sambit ng aktor.