Matapos ang sobra-sobrang delay, natapos na rin ang proyekto! PBBM, pinasinayaan ang pagkabit ng Luzon sa Mindanao-Visayas grid ng NGCP

Hinimok ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga kumpanya ng enerhiya na gawin ang nararapat upang masigurong mayroong “reliable power at all times” ang iba’t ibang bahagi ng bansa.

Hinimok ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga kumpanya ng enerhiya na gawin ang nararapat upang masigurong mayroong “reliable power at all times” ang iba’t ibang bahagi ng bansa.

“We cannot afford to have another round of this costly interruption not only in Panay Island but anywhere in the country. So, let’s move forward with the lessons that we have gained from this blackout and [make] sure this massive inconvenience and loss for our people should not occur again,” saad ni Marcos sa kaniyang talumpati sa makasaysayang pagbubukas ng Mindanao-Visayas Interconnection Project (MVIP) na ginanap sa Malacañang nitong Biyernes, Enero 26.

BASAHIN RIN: Nagkataon lang o nagbabadyang krisis na? Bahagi ng Panay, Negros Occidental, tinamaan ng malawakang blackout

Kaugnay niyan, naniniwala naman ang pangulo ng makatutulong rito ang mga proyekto gaya ng MVIP upang masigurong hindi na mangyayari sa ibang bahagi ng bansa ang power outage na naganap sa Western Visayas. Makatutulong rin aniya ang mga ito sa pagpapalago ng ekonomiya.

Binigyang-diin rin ng pangulon ang “immense responsibility and role” ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa lahat ng ito, kanya naman makakaasa ang NGCP ng suporta mula sa pamahalaan.

“We realize these are daunting tasks but I call on you to faithfully fulfill these obligations which are so necessary for the progress of our country…” aniya. “I assure that similar support and cooperation will always be extended by (the) government to ensure the timely completion of all the significant transmission projects, particularly those that will relieve congestion….”

BASAHIN RIN: Tama na, sobra na, alisin na! Hugas-kamay at palusot ng NGCP, nakakarindi na; ‘’Di dasurv ng Pilipino ang palpak na serbisyo!’—mambabatas