Matanda na raw! Manny Pacquiao ‘di pinayagan sa Paris Olympics

Hindi inaprubahan ng International Olympic Committee (IOC) ang hiling ng Philippine Olympic Committee (POC) na payagang lumaban si eight-division world champion Manny Pacquiao sa 2024 Paris Olympics.

Hindi inaprubahan ng International Olympic Committee (IOC) ang hiling ng Philippine Olympic Committee (POC) na payagang lumaban si eight-division world champion Manny Pacquiao sa 2024 Paris Olympics.

Ito’y sa kadahilanang 40-anyos lang ang age limit sa naturang patimpalak, habang 45-anyos na si Pacman.

Bukod pa rito, ang mga atletang nais makapasok sa Olympics ay kailangang dumaan sa mga qualifying tournament, na hindi ginawa ni Pacquiao.

“Too bad our beloved boxing icon is disqualified because of his age and that everyone needs to go through qualifiers, in all sports, to be able to participate in Paris,” saad ni POC president Abraham “Bambol” Tolentino.

Nitong nakaraang Oktobre ay sumulat ang POC sa IOC sa pagnanasang makalaban si Pacquiao sa Olympics sa pamamagitan ng universality rule. Paliwanag naman ni IOC Director for National Olympic Committee Relations James McLeod, hindi kwalipikado ang Pilipinas sa universality rule.

“The Universality places for the Olympic Games will not be allocated to NOCs with an average of more than eight [08] athletes in individual sports/disciplines at the last two editions of the Olympic Games [Rio and Tokyo],” saad sa liham ni McLeod sa POC.

Sa 2020 Tokyo Olympics ay nakapagpadala ang Pilipinas ng 17 atleta.