Mataas na Trust at Performance rating sa OCTA Research survey ikinalugod ni Romualdez

Ayon sa Speaker ang resulta ng survey ay patunay ng tiwala ng publiko sa kanya at kanyang trabaho sa Kamara at magsisilbi din itong paalala sa mga government official ng kanilang responsibilidad at mandato sa taong bayan.

Magandang motibasyon para pagbutihin pa ang trabaho ang mataas na Trust at Performance ratings.

Sinabi ito ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa resulta ng 4th quarter survey ng OCTA Research na ginawa mula December 10-14, 2023.

Sa naturang survey tumaas ng 4 percentage points ang Trust ratings ng House Leader o nasa 64% mula sa 60% noong October na pinaka-mataas sa lahat ng mga opisyal ng gobyerno.

Nakakuha naman si Romualdez ng 65% na performance ratings mula sa 61% o pag-angat din ng 4 percentage points.

Ayon sa Speaker ang resulta ng survey ay patunay ng tiwala ng publiko sa kanya at kanyang trabaho sa Kamara.

“I would like to extend my deepest gratitude to the Filipino people for the high trust and performance ratings we obtained in the latest OCTA Research survey conducted in December last year. Your trust and confidence in our work at the House of Representatives are truly humbling and inspiring,” ani Romualdez.

Magsisilbi din aniya itong paalala sa mga government official ng kanilang responsibilidad at mandato sa taong bayan. “While surveys serve as a gauge of public sentiment, they should never be viewed as a reward for our hard work. Instead, they serve as a reminder of the responsibility we bear as public servants to ensure that every action we take is in the best interest of the Filipino people,” dagdag pa ng Speaker.