Mataas na tongpats sa retail prices ng bilihin, sisilipin ng Kongreso

Nakatakdang imbestigahan ng House of Representatives ang 'di umanoy nakakabahalang pagkakaiba ng farmgate at retail price ng mga pangunahing bilihin, ayon kay Speaker Martin Romualdez.

Nakatakdang imbestigahan ng House of Representatives ang ‘di umanoy nakakabahalang pagkakaiba ng farmgate at retail price ng mga pangunahing bilihin, ayon kay Speaker Martin Romualdez.

Sinabi ni Romualdez na sa pagbabalik ng sesyon sa Abril 29, agad nitong pauumpisahan kay Chairman at Quezon Representative Mark Enverga ng Committee on Agriculture ang pagsisiyasat sa naturang pagkakaiba ng presyo.

Aniya, hindi dapat umano balewalain na lang ang hirap ng mga magsasaka na kumakayod para makaraos, ogayundin ang pasanin na dulot sa mga mamimili.

“I would ask Chairman [and Quezon Representative] Mark Enverga of the Committee on Agriculture to immediately start the ball rolling for an investigation into the disconnect between farmgate and retail prices of basic goods,” ani Romualdez matapos ang pakikipagpulong kay House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo at mga kinatawan ng mga producers, retailers, at grocery stores.

“The discrepancy between farmgate and retail prices of basic goods is alarming and warrants immediate attention. We cannot ignore the plight of our farmers who are struggling to make ends meet, nor can we turn a blind eye to the burden placed on consumers,” dagdag pa nito.

Dahil dito, hinimok ng Romualdez ang mga ahensya ng gobyerno, mga kinatawan ng industriya, at mga consumer advocacy group, na makilahok sa imbestigasyon upang mabilis na makapagplano ng epektibong patakaran at hakbang sa pagkakaiba ng presyo ng mga bilihin.

“It is imperative that we conduct a comprehensive review of our laws to ensure that they effectively safeguard the interests of our farmers and consumers. We must take proactive measures to prevent profiteering and promote a fair and transparent trading environment,” saad ni Romualdez.