Masyado nang garapal: Kamara, nagkaisa sa pagkundena sa mga iligal na aktibidad ng China sa WPS

Hinihimok rin ng naturang resolusyon ang pamahalaan igiit pang lalo ng pamahalaan ang karapatan ng bansa sa exclusive economic zone nito at ipaglaban ito.

Inilabas ang House of Representatives nitong Miyerkules, Disyembre 6, ang House Resolution No. 1494 na kumukondena sa “illegal actions” ng China sa West Philippine Sea (WPS).

Hinihimok rin ng naturang resolusyon ang pamahalaan igiit pang lalo ng pamahalaan ang karapatan ng bansa sa exclusive economic zone nito at ipaglaban ito batay na rin sa mga batas sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at sa pagkakapanalo ng Pilipinas sa kaso nito sa Permanent Court of Arbitration.

BASAHIN RIN: Pumupwesto na naman sila: Chinese militia vessels sa paligid ng Julian Felipe Reef, dumarami

“The Philippines, being a firm believer and advocate of the Rule of Law, and despite the continued harassment of China, has resorted to diplomatic tools to address Chinese aggression, including the filing of over 400 diplomatic protests against the latter, the subject of which mostly include the illegal presence and illegal activities of Chinese fishing, maritime militia, law enforcement, and military vessels in the West Philippine Sea,” paliwanag ng resolusyon.

Nitong nakaraan Lunes lamang, Disyembre 4, ay namataan ang pagrami ng Chinese militia vessels sa paligid ng Julian Felipe Reef. Bukod pa riyan ang palagiang pangha-harass ng Chine Coast Guard sa mga resupply mission sa Ayungin Shoal at sa mga mangingisdang Pilipino.

BASAHIN RIN: Duwag pala! Chinese militia ships sa Julian Felipe Reef, nagpulasan na paalis