Maswerte kay misis! Pangulong Marcos iniyabang ang First Lady

Ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kung gaano siya kaswerte sa asawa niyang si First Lady Liza Marcos.

Ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kung gaano siya kaswerte sa asawa niyang si First Lady Liza Marcos.

Kamakailan lang ay lumikha ng ingay ang pagdalo ng First Lady sa vlog ni Anthony Taberna, kung saan binatikos niya ang mga kritiko ng kanyang asawa.

Ikinatuwa naman ng pangulo ang pagtatanggol sa kanya ng kanyang misis.

“First of all, my first reaction is what a lucky husband I am that I have a wife na (who is) very protective sa akin (of me),” saad ng presidente sa isang ambush interview ngayong Martes.

“I think that she also understands how the First Lady feels, when you have to sit there and listen to these attacks that are being made against your husband,” wika pa niya.

Pagdating naman sa mga patutsada ng First Lady kay Bise Presidente Sara Duterte, sinabi ng pangulo na siya na ang bahalang makipag-ugnayan sa education secretary.

“But mag-uusap kami ni VP Sara tungkol diyan. Huwag niyang masyadong dibdibin, hindi naman siya ‘yung mga nagsabi ng kung anu-ano. Madali naman sigurong plantsahin ‘yung isyu,” dagdag pa niya.

Inihayag din ni Pangulong Marcos na wala siyang balak sibakin sa pwesto si VP Sara.