Masigla na talaga ang turismo: Target ng bilang ng turista sa 2023, malapit nang makamit—DOT

Marami sa mga bumibisita sa bansa ay mula South Korea, United States, Japan, China, Australia, Canada, Taiwan, United Kingdom, Singapore, at Malaysia.

Malapit nang makamit ng Pilipinas ang target nitong 4.8 milyon na foreign tourist arrivals para sa taong ito.

Batay sa datos ng Department of Tourism (DOT), tinatayang nasa 4.76 milyon na ang bumisita sa Pilipinas hanggang Nobyembre 23—o 99.16% na ng target ng DOT.

“With great optimism and the country’s ability to achieve new targets, and with the continued drive and collaborative action between government and the private sector, we hope to be able to recover our pre-pandemic numbers sooner than what has been projected,” saad ni DOT Secretary Christina Garcia-Frasco sa taunang pulong ng Tourism Congress of the Philippines (TCP) sa Lanson Place Mall of Asia noong Nobyembre 24.

Nauna na ring sinabi ng DOT na marami sa mga bumibisita sa bansa ay mula South Korea, United States, Japan, China, Australia, Canada, Taiwan, United Kingdom, Singapore, at Malaysia.

BASAHIN RIN: Sumisigla na muli ang turismo! 36k na umaalis, 32k na dumadating sa Pilipinas, naitala ng BI