Masbate kinilala bilang ‘Art Capital’ ng Bicol Region

Kinoronahan ng Department of Tourism - Region 5 (DOT-5), ang lalawigan ng Masbate ng titulo bilang 'Art Capital' ng rehiyon.

Kinoronahan ng Department of Tourism – Region 5 (DOT-5), ang lalawigan ng Masbate ng titulo bilang ‘Art Capital’ ng rehiyon.

Ito ay sa bisa ng Proclamation No. 001 na pinirmahan ni DOT-5 Regional Director Herbie Aguas. Kasabay ng pagproklama sa Masbate bilang Art Capital ay ang pagkakalagay sa Obra Masbateño Arts Festival sa kalendaryo ng National Commission for Culture and Arts (NCCA).

“The recognition given for Masbate province is for its efforts and enthusiasm to boost the art sectors in the Bicol Region. The Obra Masbateño Arts Festival honors the existing art sector which includes visual, literary, culinary, music, dance, photography, film, fashion design, and makeup,” ani Aguas.

Ang Obra Masbateño Arts Festival ay sinimulan noong 2021. Layunin nitong kilalanin ang talento ng mga Masbateño pagdating sa sining. Ginaganap ito kada huling linggo ng Pebrero, na siyang National Arts Month.

Kilala rin ang Masbate sa titulong Rodeo Capital of the Philippines.